Ipinagmalaki ngayon ng China ang dumarami umanong bansang sumusuporta sa Beijing sa usapin ng agawan ng teritoryo sa South china Sea.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hua Chunying, kabilang sa mga nakuha nilang suporta ay mula sa African countries gaya ng Zambia, Cameroon, Ethiopia at Malawi.
Maliban dito, pinanghahawakan din ng China ang talumpati ni Cambodian Prime Minister Hun Sen na hindi umano nito susuportahan ang arbitration sa isyu ng South China Sea.
Matatandaang anumang araw ngayong taon ay inaasahang ipalalabas na ng permanent court of arbitration kanilang desisyon hinggil sa isinampang reklamo ng Pilipinas laban sa China.
By Ralph Obina