Iginiit ni Chinese President Xi Jinping sa South Korea na bigyan ng pansin ang concern ng China hinggil sa deployment ng US THAAD Missile Defense System sa kanilang bansa at maingat na gumawa ng plano hinggil dito.
Nagsimula ng mag-usap ang United States at South Korea sa posibleng deployment ng terminal high altitude area defense o THAAD System matapos subukan ng North Korea ang kanilang ikaapat na nuclear bomb noong Enero at magsawa ng missile test.
Pinipilit din ng China at Russia ang United States na umatras na sa plano nito dahil makakaapekto umano sa kanilang seguridad ang deployement ng THAAD.
By Mariboy Ysibido