Kinontra ng Chinese embassy ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na dapat umalis na sa Julian Felipe Reef ang natitirang 44 na Chinese vessels ng China.
Sa isang pahayag, sinabi ng Chinese embassy to the Philippines na ang naturang reef o mas kilala sa tawag nilang Niu’e Jiao ay bahagi umano ng kanilang Nansha islands.
Dagdag pa ng embahada, ang ang naturang anyong katubigan ay dati na raw pinangingisdaan ng mga Chinese fishermen.
Bukod dito, nagsisilbi rin umano itong kublihan ng kanilang mga barko.
Giit pa ng China, na magpapatuloy ang kanilang pag-iingat sa anila’y pag-aari nilang Julian Felipe Reef kung saan tiniyak ng mga ito na kanila raw pananatilihin ang peace and stability dito.
Sa huli, nanindigan si Defense Secretary Lorenzana na walang anumang dahilan ang mga barko ng China na manatili pa sa anyong tubig na pag-aari ng Pilipinas, kaya malinaw anito na dapat na silang umalis.