Ikinagalit ng China ang ginawang pagbisita sa Taiwan ng isang mambabatas mula sa United Kingdom.
Ito ay dahil sa ginawang pakikipagpulong ni Alicia Kearns, miyembro ng British Parliament, kay Taiwanese Foreign Minister Joseph Wu.
Inakusahanng China ang UK na nakikialam sa affairs nila ng Taiwan na itinuturing pang probinsya ng nauna.
Mababatid na nitong Agosto ay ikinagalit din ng China ang ginawang pagbisita ni US Speaker of the House Nancy Pelosi sa Taiwan. —sa panulat ni Hannah Oledan