Interesado ang China na gumawa ng pelikula patungkol sa isang pilipinong datu na nanirahan sa Shandong Province noong 1300s.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, natalakay ang pagbuo ng pelikulang may kaugnayan sa buhay ni “Datu Padulay” sa ginanap na Conference on Asian Civilizations Dialogue (CDAC) na isinagawa sa Beijing, China.
Pahayag ng kalihim, ipinagdiriwang ang datu padulay sa lalawigan ng Shandong, China na lumipat at nanirahan na sa nabanggit na lugar kasama ng kanyang pamilya.
Sinabi ni Andanar, na buhay parin hanggang sa ngayon ang descendants ng Filipino datu na si Padulay kungsaan pinatayuan ito ng rebulto sa Shandong.
Nangangahulugan aniya ito na bago pa man dumating sa Pilipinas ang mga Espanyol, ay mayroon nang trading relations ang China at Pilipinas at kilala ang bansa noon bilang ‘Kingdom of the East’ at hindi Philippines.
—–