Parehong kaibigan at banta ang tingin ng Pilipinas sa China.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana bagamat may isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea, hindi naman tumitigil ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa.
Inihalimbawa ni Lorenzana ang pag-iimport ng Pilipinas ng mga produktong mula sa China at ang mga agricultural product naman na kinukuha ng China mula sa Pilipinas.
Idagdag pa aniya ang mga Chinese tourist na patuloy na bumibisita sa Pilipinas gayundin ang maraming bilang ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na nananatili at nagtatrabaho sa China.
Binigyang diin ni Lorenzana na hindi dapat maapektuhan ng isyu sa West Philippine Sea ang iba pang ugnayan ng dalawang bansa.
By Aiza Rendon | with report from Jonathan Andal (Patrol 31)