Nanguna ang China sa may pinakamalawak at pinakamalayong pangingisda.
Ayon sa pag-aaral ng Global Fishing Watch, tinatayang 17 milyong oras ang ginugol ng China sa pangingisda noong 2016.
Sinasabing umaabot pa hanggang sa Africa at South America ang pangingisda ng China gamit ang mahigit 2,500 nilang bangkang pangisda.
Gayunman, mga Chinese fishing vessel din ang kadalasang itinataboy gaya ng ginawang pagpapalubog ng Argentinian Coast Guard sa isang Chinese fishing vessel na iligal na nangingisda sa kanilang teritoryo noong 2016.
—-