Kakausapin ng Malacañang ang China kaugnay sa ulat na magtatayo umano ang mga ito ng permanenteng istruktura sa pinag aagawang Panatag Shoal.
Sa isang panayam sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na nanghihingi na sila ng impormasyon sa China para linawin ang lumabas na ulat.
Batay kasi sa report ng Hainan Daily Newspaper sinabi umano ni Sansha Communist Party Secretary Xiao Jie na magtatayo ang China ng Environmental Monitoring Station sa Panatag Shoal.
Ayaw naman munang magkomento dito ng Department of Foreign Affairs o DFA dahil kukumpirmahin pa raw muna nila ang nasabing report.
By Jonathan Andal