Nakumpleto na ng China ang mga pasilidad nito sa Subi Reef na kabilang sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Iyan ang kinumpirma ng China batay sa pinakabagong ulat nito hinggil sa ginagawa nilang pagpapalawak sa mga islang kanila umanong nasasakupan sa naturang karagatan.
Batay sa ulat, tinatayang nasa halos 300,000 metro kuwadrado ang lawak ng isinagawang expansion ng China sa Subi Reef at pinaigting din ang kanilang presensya sa rehiyon.
Paggigiit ng China, makatuwiran ang ginagawa nilang expansion sa Subi Reef dahil nanindigan silang bahagi iyon ng kanilang teritoryo sa naturang karagatan.
—-