Kumikilos na ang China upang mapatigil ang cybercrimes na ginagawa ng mga Chinese nationals sa ibang mga bansa kabilang ang sa Pilipinas.
Sa statement ng Chinese Embassy, mayroon na umanong hawak na listahan ang Ministry of Public Security ng mga Chinese nationals na hinihinalang sangkot sa long telecom fraud.
Ayon sa Chinese Embassy, ang mga taong mga nasa listahan ay hindi dapat nakalalabas ng China.
Ang crackdown ng China ay nag-ugat sa ulat na libu-libong Chinese nationals ang illegal na nagta-trabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Nagpahayag ng kahandaan ang China na makipagtulungan sa Pilipinas upang mabuwag ang POGO at illegal na gawain nito.