Inanunsyo ngayon ng China na kanila nang lilimitahan ang energy supplies sa North Korea at ititigil ang pagbili ng textiles sa Pyongyang.
Ginawa ng China ang deklarasyon kasunod ng ipinataw na sanctions ng United nations o U.N. sa North Korea bunsod nang nuclear at missile development nito.
Ayon sa Commerce Ministry ng CHINA, simula Enero 01 ng susunod na taon, lilimitahan na lamang sa dalawang milyong bariles ng refined petroleum ang i-i-export kada taon sa North Korea.
Binigyang-diin pa ng China na ipinagbawal na rin nila ang pagbebenta ng Liquified Natural Gas Sa Pyongyang, ngunit hindi kasali dito ang crude oil.
Nabatid na Siyamnapung (90%) porsyento ng mga kalakal ng North Korea ay mula sa bansang China.
Ulat ni Jopel Pelenio
SMW: RPE