Pinayagan na ng China ang pag-angkat ng durian mula sa Pilipinas.
Ayon kay Chinese Ambassador Huang Xilian, natugunan na ng bansa ang mga requirements para sa pag-angkat ng produkto na maaaring mahanay sa Thailand, Malaysia, at Vietnam
Ang anunsyo ay kasunod na rin ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa Beijing noong nakaraang linggo, kung saan nilagdaan ang iba’t ibang kasunduan sa maraming industriya, kabilang ang agrikultura.
Ang “durian protocol” ay kinabibilangan ng paglikha ng “phytosanitary requirements para sa pag-export ng mga sariwang durian mula sa Pilipinas patungo sa China.