Posibleng simulan na ngayong taon ng China ang importasyon ng durian mula Pilipinas.
Ito ang kinumpirma ni Chinese Ambassador Huang Xilian batay sa resulta ng assessment na isinagawa ng isang team ng mga eksperto na inorganisa ng kanilang embahada.
Ayon kay Huang, nagtungo sa Davao region ang team upang maghanap ng durian na i-e-export sa China.
Karamihan anya ng durian sa China ay iniimport at sa katunayan ay umabot sa 882,000 tons noong isang taon o katumbas ng 4.21 billion dollars ang inangkat ng kanilang bansa.
Matatagpuan sa Davao region ang mga high quality at masarap na durian na pang-export quality.