Mag-do-donate ng karagdagang bakuna kontra COVID-19 ang China sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa kanyang talumpati kasabay ng inagurasyon ng bagong school building sa dalawang paaralan sa lungsod ng Valenzuela.
Ayon sa pangulo, mag-do-donate pa ang china ng karagdagang 400,000 doses ng bakuna sa bansa.
Hindi naman na tinukoy ng pangulo ang brand ng naturang bakuna.
Kaugnay nito, binigyang diin ng pangulo na nananatiling Sinopharm vaccine ang gusto nitong bakunang ituturok sa kanya.
Hindi ako masyado ma-ano diyan sa mga produkto ng puti, China would give us another 400,000, making their donation to this country, 1 million,” ani Duterte