Magbibigay ang China sa Pilipinas ng P3.8-B halaga ng economic assistance.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ang pinangako ng China sa Pilipinas sa ginanap na bilateral meeting.
Bukod dito ay nagkasundo rin si Pangulong Rodrigo Duterte at President Xi Jinping na ipagtuloy ang offshore oil development ng dalawang bansa.
Ipinabatid din ni Roque na natalakay din sa bilateral meeting ang tungkol sa isyu sa South China Sea at nagkasundo ang dalawang pinuno na isentro ang usapin sa stability sa rehiyon.
Ilan pa umano sa mga napagkasunduan ng China at Pilipinas ay ang mas maigting pang kooperasyon ng dalawang bansa sa paglaban sa terorismo at iligal na droga.