Makikipagtulungan ang China sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations upang mapanatili ang mabuting pakikipag-kaibigan sa gitna ng territorial dispute sa South China Sea.
Ito ang inihayag ni Chinese Premier Li Keqiang sa kanyang opening remarks sa 20th ASEAN-China Summit sa sidelines ng 31st ASEAN Summit sa Pasay City bago ang negosasyon para sa panukalang South China Sea Code of Conduct.
Ayon kay Li, makikipagtulungan din sila sa ASEAN sa pagtatatag ng isang komunidad na may iisang layunin para sa kinabukasan.
Samantala, pinuri naman ni Li ang naging mainit na ugnayan sa pagitan ng Tsina at ASEAN member states.