Suportado ng China ang pahayag ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kaugnay sa pagkakaroon ng mutual respect at pagtalima ng rule of law ng mga bansa sa international community.
Ayon kay Chinese Ambassador Zhou, sinasang-ayunan nila ang pahayag ni Pangulong Aquino.
Dagdag pa ng ambassador, mananatili silang kaibigan ng Pilipinas sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea.
Sa kanyang talumpati kahapon araw ng kalayaan, binigyang diin ni Pangulong Aquino ang kahalagahan ng respeto sa bawat isa, pag-iral ng international law at pagkilala sa pag-aari ng iba.
Ginawa ito ng Pangulong Aquino sa harapan ng diplomatic community kung saan naroon ang mga kinatawan ng mga bansang key players sa West Philippine Sea.
Dumalo sina Chinese Ambassador Zhou, U.S. Ambassador Philip Goldberg at iba pang Asian countries na may claim din sa Spratlys.
By Mariboy Ysibido