Umapela ang Chinese government sa mga opisyal ng Pilipinas na irespeto ang kanilang soberanya sa West Philippine Sea sa gitna na rin nang pagpapalakas ng kanilang puwersa sa lugar.
Ayon kay Wang Wenbin, spokesperson ng foreign ministry ng China dapat nang itigil ng mga opisyal ng Pilipinas ang kung ano anong hakbangin para paguluhin ang sitwasyon at palalain ang hindi pagkakaintindihan sa usapin.
Binigyang diin ni Wang na bahagi ng soberanya ng China ang Nansha Islands kabilang ang Zhongye Island at Zhongsha Islands na kinabibilangan din ng Huangyan Island at kalapit na katubigan kung saan may hurisdiksyon sila.
9% ng West Philippine Sea na bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ay kini-claim ng China.