Hinamon ng China ang tinawag nitong mga outsider na tigilan na ang pagpapakita ng kapangyarihan sa South China Sea.
Kasunod ito ng naging patutsada ni US President Barack Obama na tigilan na ng isang malaking bansa ang ginagawa nitong pambu – bully sa mas maliliit na bansa sa Asya.
Ayon kay Chinese Defense Ministry Spokesperson Yan Yujun, nakatuon ang China sa pagresolba sa isyu sa teritoryo sa pamamagitan ng maayos na pag-uusap na nakabase sa historial facts at international laws.
Aniya, ang ilang bansa sa labas ng South China sea ang syang malaking banta sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Nang matanong naman sa inihaing arbitration case ng Pilipinas, iginiit pa rin ng China na hindi nito kikilalanin ang magiging desisyon ng naturang korte sa The Hague, Netherlands.
By Rianne Briones