Kinumpirma ni Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana na may inihahandang medical team ng China upang tumulong sa Pilipinas sa mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Sta. Romana, wala pa lamang petsa kung kailan ang dating sa Pilipinas ng medical team subalit ikinakasa na anya ito.
Sa press briefing ng Laging Handa, sinabi nito na inaasahang ibabahagi ng Chinese medical team ang naging istratehiya nila kung paano nila nilabanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Hubei Province, partikular sa Wuhan City, kung saan nagsimula ang COVID-19.
Samantala, tuloy-tuloy rin anya ang pamamahagi ng Chinese government at mga pribadong kumpanya sa China ng medical equipment sa Pilipinas.
Ang pinag-uusapan ay ‘yung details –kung kailan makakapunta, sinu-sino, sa lalong madaling panahon. Bukod dito, of course, nagpadala na rin sila ng donation nila, dito mayroon din tayong mga Philippine plane na lumipad papuntang Southern China para magpick-up ng medical supplies,” ani Sta. Romana.