Muling nanindigan ang China na karapatan nilang magmasid sa kanilang mga teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito ang pahayag ng Foreign Ministry ng Tsina matapos itaboy ng Chinese Navy ang isang US surveillance aircraft sa sinasabing Chinese airspace sa Spratly Islands.
Iginiit ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Hong Lei na matibay ang kanilang soberanya sa mga pinag-aagawang isla maging ang mga artificial island na produkto ng kanilang reclamation activities sa nasabing karagatan.
Bagaman wala aniya silang inisyal na impormasyon sa insidente noong Miyerkules, umaas si Hong na irerespeto ng ibang bansa ang kanilang karapatan sa Spratly Islands at iwasan na ang mga aksyong makapagpapalala sa sitwasyon.
By Drew Nacino