Hindi dapat maapektuhan ang security at territorial interest ng China at makisawsaw sa maritime dispute sa South China ang lumalalim na security alliance ng Pilipinas at Amerika.
Ito ang babala ng Tsina sa nagpapatuloy na pinaka-malaking military exercises sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na sinimulan noong Martes.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin, hindi dapat maging target sa military drills ang anumang third party sa halip ay dapat makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Asia-Pacific region.
Wala namang binanggit si Wang kung paano tutugon ang China kung mapagtanto nitong naka-umang sa kanila ang pinaigting na security alliance ng Pilipinas at Amerika.