Muling nanawagan ang Estados Unidos sa China na itigil na nito ang paghahamon ng gulo sa West Philippine Sea.
Nagbabala rin ang US na ma-o-obliga silang gumamit ng pwersa sakaling atakihin ang Pilipinas alinsunod sa 1951 mutual defense treaty ng dalawang bansa.
Ito ang inihayag ni U.S. Secretary of State Antony Blinken kasabay ng ika-limang anibersaryo ng arbitral win ng Pilipinas na nagpawalang-bisa sa maritime claim ng China sa kabuuan ng West Philippine Sea.
Ipinunto ni Blinken na nanganganib ang maritime order sa West Philippine Sea sa kamay ng Tsina dahil sa walang sawa nitong panghaharass sa mga bansa sa South East Asia.
Sa kabila nito, ikinukunsidera naman ng Tsina na pakikisawsaw ang pagkakasangkot ng US sa maritime dispute sa West Philippine Sea. —sa panulat ni Drew Nacino