Muli na namang sinisi ng China ang Pilipinas hinggil sa usapin ng territorial dispute sa West Philippine Sea.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesman Hua Chun Ying, ang isinampang reklamo ng Pilipinas sa international arbitral tribunal aniya ang puno’t dulo ng pagkakagulo ng mga bansa sa Asya.
Kasunod nito, pinaalalahanan ng China ang Japan na huwag nang painitin pa ang usapin ng agawan sa teritoryo.
Una rito, inihayag ng Shanghai Cooperation Organization ang pagsuporta nito sa posisyon ng China hinggil sa pag-aangkin ng teritoryo sa nasabing karagatan.
By Jaymark Dagala