Muling naglunsad ng war games ang Chinese Armed Forces sa Spratly Islands.
Ayon sa People’s Liberation Army, nagdeploy sila ng mga warship, submarine, early warning aircraft at fighter jets bilang bahagi ng military drill.
Layunin ng naturang aktibidad na sanayin ang Chinese Navy at Air Force sa mga mahirap na sitwasyon tulad ng posibilidad ng pagsiklab ng digmaan.
Noong isang linggo ay nagdeploy ang US ng P-8 Poseidon spy plane sa Singapore na isang mensahe sa China na mananatiling nakamasid ang Amerika sa mga military activity ng Tsina sa South East Asia.
By Drew Nacino