Kasalukuyang nasa West Philippine Sea ang aircraft carrier ng Chinese Navy na Liaoning.
Nagsasagawa ng routine open-sea exercise ang nasabing barko bilang bahagi ng annual training naval force ng China.
Gayunman, inalmahan ng Taiwan ang pagpasok sa kanilang territorial waters ng nasabing barko.
Kasama ang limang iba pang warship, dinaanan ng Chinese Navy ang Pratas o Dongsha Islands na kontrolado ng Taiwan at Bashi Channel sa bahagi ng Batanes Group of Islands ng Pilipinas.
Samantala, nagpadala naman ng mga F-16 fighter jets ang Taiwan upang i-monitor ang galaw ng grupo ng mga Chinese warship.
By Drew Nacino