Isa na namang military plane ng China ang lumapag sa artificial island na nilikha nito sa West Philippine Sea.
Ayon sa Defense Ministry, ang kanilang air force plane ay nag-landing sa Fiery Cross Reef sa Spratlys Islands.
Naganap ang flight ilang araw matapos magtungo sa pinag-aagawang teritoryo si US Defense Secretary Ashton Carter.
Ang lugar na tinaguriang Kagitingan Reef ng Pilipinas ay inaangkin din ng Vietnam.
Matatandaan na noon pang 2014 sinimulan ng China ang 3,000 metrong runway sa nabanggit na Reef na 1,000 kilometro naman ang layo mula sa probinsya ng Haina.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: Reuters