Muling nagsagawa ng “combat readiness patrol” sa karagatan at himpapawid ang Chinese military sa paligid ng Taiwan.
Inihayag ng People’s Liberation Army Eastern Theatre Command na ang nasabing aktibidad ay bahagi ng preparasyon laban sa kanilang tinatawag na “US-Taiwan Collusion”.
Inilunsad ang mililtary exercises habang bumibisita sa Taiwan si US Senator Tammy Duckworth.
Ipinanawagan naman ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Zhao Lijiansa mga US Politician na tumalima sa “One-China Principle” at itigil na ang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng Taiwan.