Muling sinupalpal ng China ang Amerika matapos itong magpadala ng warship sa South China Sea.
Ayon sa Chinese Defense Ministry, isang “serious illegal act” at mistulang paghahamon ang panibagong hakbang ng Estados Unidos.
Iginiit naman ng Chinese Foreign Ministry na isang seryosong paglabag sa kanilang soberanya at international law ang panghihimasok ng US Warship malapit sa Paracel Islands na inaangkin din ng Vietnam.
Magugunitang inihayag ng US Defense Department na ipinadala nila ang destroyer na USS Decatur malapit sa Paracel subalit hindi naman ito lumampas sa 12 nautical mile zone na itinatakda ng international law bilang territorial waters.
Nagkaroon lamang umano ng “routine call ang barko” at wala namang nilalabag na batas.
By: Drew Nacino