Nag-deploy na ng kanilang advance surface to air missile system ang China sa Woody Island, isa sa mga inokupahan nilang isla sa South China Sea na inaangkin rin ng Taiwan at Vietnam.
Ipinakita sa Fox News ang larawan ng surface to air missiles na kinumpirma naman ng isang US official.
Nagbabala ang US official na magsisilbing panganib ang nakita nilang HQ-9 missiles sa mga eroplano na lilipad malapit sa Woody Island.
Inilabas ng Fox News ang report sa harap ng kasunduang nabuo sa ASEAN Summit na kailangang magtulungan ang Amerika at ang Southeast Asian Countries para mapahupa ang tensyon sa South China Sea.
Matatandaan na kabilang ang Pangulong Benigno Aquino III sa mga dumalo sa ASEAN Summit at nagtulak na pag-usapan ang problema ng tila pangangamkam ng China sa South China Sea o West Philippine Sea.
By Len Aguirre
*Image credit: foxnews.com