Nagbabala ang China sa posibleng kahihinatnan sakaling bumisita si US House Speaker Nancy Pelosi sa self-ruled island ng Taiwan sa susunod na buwan.
Ito ay sa harap ng tumataas na tensyon bago ang inaasahang phone call sa pagitan ng mga lider ng dalawang bansa.
Ang potential visit umano ni Pelosi ay tila nagpapatunay ng pag-dominate ng phone call sa pagitan nina Chinese President Xi Jinping at US counterpart Joe Biden.
Nabatid na nagkaroon ng isyu sa Taiwan hinggil sa human rights at technology sector competition habang lalo tumataas ang air incursions ng China o ang pagsakop o pagsalakay nito malapit sa Taiwan.