Binabalak ng China na magtayo ng International Maritime Judicial Center.
Ito umano ang tugon ng China sa nakatakdang paglabas ng desisyon ng International Tribunal hinggil sa inihaing kaso ng pilipinas laban sa china sa isyu nang pagsakop nito sa ilang reefs sa tinaguriang disputed islands
Ayon sa pinuno ng Supreme Peoples Court na si Zhou Qiang, ang bagong maritime judicial center ay makakatulong sa china lalo na sa pagpapatupad nito ng strategies para maging makapangyarihang maritime country.
Magugunitang tumanggi ang China na makisali sa arbitration para maresolba ang naturang usapin.
By: Judith Larino