Nagbanta ng giyera ang China laban sa Pilipinas.
Ito ang inamin ngayon ng Pangulong Rodrigo Duterte nang iginiit niya noon ang karapatan ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Iginiit ng Pangulo na mali ang paratang nina Supreme Court Chief Justice Antonio Carpio at dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na wala siyang ginawa upang ipaglaban ang arbitral ruling na pumapabor sa claim ng Pilipinas.
Sinabi ng Pangulo na harap-harapan niyang sinabi kay Chinese President Xi Jinping na atin ang West Philippine Sea at saksi dito sina National Security Adviser Hermogenes Esperon at Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Gayunman, tumugon naman ang Presidente ng China at sinabing nais nilang mapanatili ang magandang ugnayan ng dalawang bansa ngunit mapipilitan aniya silang makipagdigma kung ipipilit ng Pilipinas ang gusto nito.
By Ralph Obina