Labinlimang (15) milyong piso ang ipinagkaloob ng China sa Pilipinas bilang donasyon para sa relief operations at rehabilitation ng Marawi City.
Personal na iniabot ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua ang tseke kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang nasabing donasyon ay isa lamang halimbawa ng tumitibay at lumalalim na ugnayan ng dalawang bansa sa kabila ng agawan sa Spratly Islands.
Tinatayang walumpu’t limang (85) milyong piso na ang gastos ng Department of Social Welfare and Development o DSWD para sa libu-libong apektadong pamilya.
By Drew Nacino
China nagbigay ng P15-M donasyon para sa Marawi City was last modified: June 28th, 2017 by DWIZ 882