Personal na sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-turn over ng tsekeng nagkakahalaga ng P65 milyong piso bilang panibagong donasyon ng China sa AFP o Armed Forces of the Philippines.
Mismong si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua ang nag-abot ng nasabing tseke kay AFP Chief of Staff Eduardo Año na nakalaan para sa pagpapagamot ng mga nasusugatang sundalo sa bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay Pangulong Duterte, ang ibinigay na tulong pinansyal ng China ay malaking tulong para sa pagpapatuloy ng final stage ng operasyon ng pamahalaan laban sa Maute terror group sa Marawi City.
Nagpaabot din ng pasasalamat si Pangulong Duterte para sa patuloy na ibinibigay na tulong ng China sa bansa para labanan ang nangyayaring rebelyon sa naturang lungsod.
Una nang nagbigay ng tulong pinansyal ang China para sa relief at rehabilitation ng Marawi City.
—-