Nagdeklara na ng emergency ang bansang China sa harap ng coronavirus outbreak na kumitil sa buhay ng may 41 katao at nakahawa sa higit 1,000 iba pa.
Kasabay nito, ipinag-utos na rin ang pagsasagawa ng nationwide measures upang ma-detect ang virus sa mga transport terminals.
Matatandaang nagkasa na ng travel restrictions ang Beijing na nakakaapekto sa biyahe o lakad ng higit 50M tao sa maraming lungsod.
Maging ang mga health authorities sa buong mundo ay gumagawa na rin ng aksiyon upang mapigilan ang posibleng global pandemic matapos mapaulat na may mga katulad nang kaso sa Australia, France, United States at 7 pang bansa sa Asya.