Naglabas ng pahayag ang China kasabay ng pagbisita ngayong hapon ni US Vice President Kamala Harris sa Palawan.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning, hindi nakikipaglaban ang Beijing sa pakikipag-ugnayan ng Estados Unidos sa mga Regional Countries.
Taliwas ito sa umano’y ulat na magreresulta ng tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas ang pagbisita ng US Official.
Samantala, sinabi pa ni Ning na imbes na makasama ang pagbisita ni Harris sa Pilipinas, dapat ito ay para sa ikabubuti, katatagan at kapayapaan ng rehiyon at hindi pansariling interes lamang.