Nag-isyu na ang Beijing ng red alert, ang pinakaseryosong warning ngayong taon sa smog (smoke at fog) bunsod ng nararanasang lumalalang air pollution.
Ipinag utos na ng city government ng Beijing ang pagsasara ng mga paaralan at hinigpitan na ang paggamit ng mga kotse sanhi ng mapanganib na hangin.
Tumaas mula pm2.5 particles hanggang 300 micrograms per cubic meter ang narecord na pollutants sa nasabing lugar.
Lumagpas na rin ito sa itinakdang safe level ng World Health Organization na 25 per cubic meter.
Ang malawakang coal-burning at vehicle exhaust emissions ang itinuturong dahilan ng smog.
By Mariboy Ysibido