Naglagay ng rocket launchers ang China sa ina-angkin nilang bahagi ng South China Sea na ina-angkin rin ng Vietnam, Taiwan at Pilipinas.
Ang lugar sa Spratlys ay tinagurian ng China na Fiery Cross Reef at Kagitingan Reef naman para sa Pilipinas.
Ayon sa report ng isang pahayagan sa China, ang rocket launcher na inilagay sa Kagitingan Reef ay mayroong kakayahang diskubrehin, kilalanin at atakihin ang mga combat divers.
Target di umano nito ang mga Vietnamese combat divers na noong 2014 pa ay naglagay na ng mga fishing nets sa mga islang ina-angkin nila sa Spratly Islands.
By Len Aguirre