Inilunsad ng internet regulator ng China ang bagong kampanya para malinis ang mga komento sa websites
Ito ayon sa Chinese Government ay para maiwasan ang pagkalat ng mga maling impormasyon at mahimok ang mga netizens na mag post ng mga positibong impormasyon
Sa pamamagitan din ng kampanya ayon sa Cyberspace Administration ng China ay magiging madali sa mga tao na i-report ang illegal o harmful content
Malaki rin ang maitutulong ng kampanya para tiyakin ng mga nasa online media ang responsibilidad sa paglalagay ng mga comment na magiging kapakinabangan sa mga babasa nito
By: Judith Larino