Inilunsad na ng China ang kanilang kauna-unahang live-fire military drills sa Taiwan Strait, simula noong 2016.
Ito’y bilang pagpapakita ng lumalaking puwersa ng Chinese Navy sa gitna ng babala ng China na hindi nila bibitawan ang Taiwan na kabilang sa teritoryong kanilang inaangkin.
Binubuo ang military exercises ng 48 barko, 76 na aircraft at mahigit 10,000 personnel.
Bagaman tinitingnan ng ilang international analyst na isa lamang pagpapakita ng kapangyarihan ang nasabing drill, naniniwala ang Taiwanese government na tila naghahanda na ang Tsina na sakupin ang Taiwan.
—-