Nagpaabot ng tulong ang pamahalaan ng China sa mga nasalanta ng malalakas na lindol sa Mindanao.
Sa pahayag na ipinalabas ng Chinese embassy sa Maynila, ipagkakaloob ng Chinese goverment ang tulong na nagkakahalagang 3 million RMB (P22-million) para suportahan ang pamahalaan ng Pilipinas na mapunan ang mga pangangailangan ng mga biktima ng lindol.
Oktubre 16 nang magsimula ang malalakas na pagyanig at aftershock ang Mindanao.
Sa pagtaya, aabot na sa P1-billion ang halaga ng pinsala ng mga pagyanig sa Davao del Sur.
Batay sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council, pumalo na sa 16 ang namatay at 403 ang nasugatan.
Daan-daang pamilya pa ang kasalukuyang nasa evacuation center matapos ang sunod-sunod na aftershock.