Nagbigay ng tulong ang bansang China sa mga sinalanta ng bagyong Odette sa Pilipinas.
Sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xi Lian, nasa 20,000 food packages na nagkakahalaga ng walong milyon sa iba’t ibang bansa na naapektuhan ng nasabing bagyo.
Kabilang sa mga probinsiyang ito ang Leyte, Cebu, Negros Occidental, Bohol, Cagayan De Oro City, Surigao City, at Negros Oriental.
Aniya, magbibigay ng tulongang China sa abot ng kanilang makakaya sa Pilipinas sa mga sinalanta ng bagyo.
Samantala, umaasa naman silang makabalik sa kanilang normal na pamumuhay ng mga biktima ng bagyo sa lalong madaling panahon.