Nagpadala ng military aircraft ang China sa isa nitong artificial island sa Zamora o Subi Reef sa West Philippine Sea.
Batay ito sa nakuhang satellite imagery ng Asia Maritime Transparency Initiative sa Washington.
Sa ulat ng AMTI, nakapagpadala na rin anila ng military aircraft ang China sa dalawa pa nitong mga ginawang naval and air base sa Kagitingan o Fiery Cross at Panganiban Reefs.
Bukod pa anila ito sa na-monitor na 15 barkong pandigma ng China na naglayag at dumaong sa mga nasabing bahura na tila bahagi ng kanilang military rotational deployment.
Una nang naiulat ang paglalagay ng missile system at radar jamming ng China sa mga artificial bases nito na mas nagpa-init pa sa usapin ng militarization activity ng nasabing bansa sa West Philippine Sea.
(Photo published by the Asia Maritime Transparency Initiative)