Inilantad ng China ang larawan ng nuclear capable bomber plane nito na lumilipad sa Scarborough Shoal.
Tatlong araw ito matapos ilabas ng International Arbitral Tribunal ang desisyong pumapabor sa Pilipinas sa isinampang reklamo laban sa China.
Ang larawan ng H-6K long range nuclear capable bomber ay ipinost ng People’s Liberal Army Air Force sa Chinese social media site na Weibo.
Uubrang magpalipad ng nuclear armed cruise missile ang H-6K sa mga area sa Pacific kabilang ang Singapore, Guam at Japan.
Sinasabing pagpapakita ng malakas nilang military capability ang paglalantad ng China sa nuclear capable bomber nito.
By Judith Larino
Photo released by The People’s Liberation Army Air Force (PLAAF)