Posibleng nagpapalusot lamang ang China nang sabihin nitong wala na sa Quirino o Jackson Atoll ang kanilang mga barko
Ayon kay Atty. Jay Batongbacal ng University of the Philippines Institute of International Law, makaraang aminin ng China ang presensya nito sa nasabing lugar
Binigyang diin ni Atty. Batongbacal, dahil sa kakaunti lamang ang mga assets ng pilipinas para makapagsagawa ng surveillance sa bahaging iyon ng karagatan
Ito aniya ang dahilan kaya’t nagiging mabagal ang pagkukumpirma sa mga balita at impormasyong nakararating sa mga ahensya ng gobyerno.
Una nang inihayag ng China na kaya sila nasa Quirino Atoll ay dahil sa nabahura ang isa nilang barko na dumaraan doon.
“Defintely kasi medyo nag reduce tayo kaunti ng presence dyan kasi ayaw nating gumawa tayo ng aksyon na maapektuhan yung ating posioyon sa arbitration, for example yung oil exploration natin hindi ntunuloy…nakakahabala yung ganoong sitwasyon,” paliwanag ni Batongbacal.
By: Jaymark Dagala