Tuluy-tuloy ang ginagawang pagbabanta ng China sa mga bansang umaangkin sa mga teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito’y makaraang magsagawa ng routine planned exercises o pagsasanay militar ng China sa Bashi Channel na nasa pagitan ng Taiwan at Pilipinas.
Ayon kay Liang Yang, tagapagsalita ng Chinese Navy, layunin nitong maplantsa ang mga istratehiya ng China pagdating sa pakikidigma.
Dahil dito, nangangamba ang ilang analyst na posibleng lumikha ng alarma ang ginagawang ito ng China sa mga nabanggit na bansa.
Magugunitang niluluto na rin ngayon ng Pilipinas at Japan ang pagbuo ng Visiting Forces Agreement para mapalakas ang relasyon ng dalawang bansa sa aspeto ng depensang militar.
By Jaymark Dagala