Nagsasagawa ng military exercises ang dose-dosenang naval vessel at aircraft carrier ng China sa bahagi ng South China Sea nitong Linggo.
Batay ito sa nakuhang satellite images ng Reuters mula sa Planet Labs Incorporated kung saan nakumpirma ang pagpasok ng mga barkong pandigma ng China sa nasabing teritoryo bilang bahagi ng kanilang taonang combat drill.
Makikita sa nasabing larawan ang nasa 40 barkong pandigma at submarine na nakapaligid sa Liaoning, ang kauna-unang aircraft carrier ng China.
Hindi naman malinaw kung saan tutungo ang mga nasabing grupo ng mga barkong pandigma ng China at kung gaano katagal ang isasagawa nitong military drill.
Samantala, sinabi naman ng ilang military at security expert na pagpapakita ito ng lakas ng China lalo’t ito ang kauna-unahang pagkakataon na isinama nito sa taonang military exercise ang kanilang aircraft carrier.
—-