Nag-sorry na o nanghingi na ng paumanhin ang China sa mga Pilipinong mangingisda na nasangkot sa Recto Bank incident.
Ito ay halos tatlong buwan matapos ang nangyaring ‘hit and run’ sa Recto Bank o ang pagbangga at pag-abandona ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pilipino sa bahagi ng Recto/Reed Bank.
Sa inilabas na memorandum ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa kanilang Twitter account, makikita rito ang bahagi ng apology letter ng China para sa mga Pinoy fishermen.
Bahagi ng apology letter ng Chinese sa mga Pinoy fishermen sa Recto Bank incident | via @DFAPHL https://t.co/edNLoBkq5o
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 28, 2019
Ipinahayag ng China sa naturang sulat ang kanilang pakikisimpatya, gayundin ng may-ari ng Chinese fishing boat, sa mga Pilipinong mangingisda na nasangkot sa insidente.
Bagaman anila hindi sinasadya ang naturang pangyayari ay dapat akuin ng bangkang pangisda ng China ang malaking responsibilidad sa nangyari.
Hiniling naman sa Pilipinas na maghain ng apela para sa civil compensation base na rin sa halagang nawala sa mga mangingisda dahil sa nangyaring insidente.