Nais ng China na tuluyang isantabi ng Pilipinas ang 2016 arbitral ruling na nagpatibay sa pag-angkin ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon sa Pangulong Rodrigo Duterte, kapalit nito ang pagkakaroon ng economic activity sa mga pinag-aagawang teritoryo.
Nakahanda anya ang China na bigyan ang Pilipinas ng 60 percent share ang Pilipinas at 40 percent lamang ang sa kanila.
You cannot abandon the – nandiyan ‘yan, pero how to claim back that property because of the arbitral ruling. Sabi ng China that is ours, meaning to say, the only way to retake is to declare war, go there and and sink all their ship. Ang China, set aside the arbitral ruling, set aside your claim, then allow everybody connected with the Chinese companies – they want to explore,” ani Duterte.
Iginiit ng pangulo na tila pagmamay-ari na ng China ang mga inaangking teritoryo ng Pilipinas sa South China Sea.
Dahil na rin anya ito sa pag-abandona o pag-atras noon ni dating Foreign Affairs secretary Albert Del Rosario nang magkaroon ng girian sa China.
Ano pa ang gusto mo Del Rosario? Ikaw ang pinakagagong nakita kong Pilipino – o kung Pilipino ka, kasi, (…) sumali siya sa usapan na mag-atras ang Pilipinas, mag-atras ang China. Umatras siya, umabante ang ano [China], kaya nag-file ng kaso,” ani Duterte.
It is no longer in our possession,” ani Duterte.